LIBO-LIBONG PABAHAY SA QC!
Nasa 2,669 residential condo units ang bibilhin ng Quezon City Government para ilaan sa QCitizens at informal settler families (ISFs) na nangangailangan ng sariling tahanan sa Lungsod Quezon.
Idinaos ang memorandum of agreement (MOA) signing sa pagitan ng QC Government at 8990 Housing Development Corporation na developer ng Urban Deca Homes Commonwealth ngayong Sabado.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nananatiling prayoridad ng lungsod na mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang mga QCitizen, partikular na ang higit sa 200,000 ISF na nasa QC.
Kasama sa bibilhin ng lokal na pamahalaan ang apat na high rise buildings, condo units, at 522 parking slots.
Maaari ring makapamili ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa studio type, at may 1, 2, o 3 bedrooms na unit.
Dumalo sa MOA signing sina Congressman Ralph Tulfo, Coun. Mikey Belmonte, Coun. Aly Medalla, Coun. Candy Medina, Coun. Dave Valmocina, Barangay Commonwealth P/B Manuel Co, Chief of Staff Rowena Macatao, City Attorney Carlo Austria, City Planning and Development Department OIC Jose Gomez, Action Officer Atty. Bong Teodoro, Housing, Community Development and Resettlement Department OIC Atty. Jojo Conejero, 8990 Housing Development Corp. Chairman Mariano Martinez, at mga kawani ng 8890 Development Corp.




