Isinagawa ang Solemn Enthronement ng Our Lady of the Rosary of La Naval De Manila sa pangunguna ni Rev. Fr. Roger C. Quirao, O.P. sa Sto. Domingo Church kagabi bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng kapistahan ng La Naval de Manila 2024.
Ang tema ng La Naval de Manila ngayong taon ay “Mary: Advocate of Heavenly Favors” na layong gunitain ang malalim na kasaysayan ng Our Lady of La Naval at ang patuloy na paggabay sa atin ni Birheng Maria.




