Nakipagpulong kay Mayor Joy Belmonte si Barangay Blue Ridge B Chairperson Sessan Lee upang talakayin ang plano nilang implementasyon ng “15-minute city concept” sa komunidad.
Sa ilalim ng 15-minute city concept, lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga komunidad tulad ng access sa health services, paaralan, at pamilihan ay maaabot ng mga residente sa pamamagitanng paglalakad o pagbibisikleta sa loob ng 15 minuto.
Naroon din sa meeting sina City Planning and Development Department OIC Jed Gomez, Zoning Administration Unit OIC Mike Velasco, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.



