#WALANGPASOK | Dahil sa nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila dahil sa bagyong #PepitoPH, inirekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) na walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City bukas, November 18, 2024.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.
