
Free HIV Counseling and Testing
November 26, 2024QCitizens, alamin ang inyong HIV status!
Ang HIV testing ay mahalagang hakbang upang malaman ang inyong status at masiguro ang tamang suporta o pangangalaga.
Libre, at confidential ang HIV testing para sa lahat!
Magtungo lamang sa Quezon City Hall Pathwalk mula Nov. 25 hanggang Dec. 6, 2024, 9:00AM-4:00PM.
Ano ang maaari mong asahan?
Libreng HIV counselling at testing
Libreng condoms at lubes para sa proteksyon
Propesyonal at kumpidensyal na serbisyo
Ang HIV ay maaaring makaapekto sa immune system ng katawan kung hindi maagapan. Ngunit kapag nalaman nang maaga ang status, maraming paraan para manatiling malusog at maiwasan ang pagkalat nito.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa QC Epidemiology and Surveillance Division:
8703-2759
0999-229-0751
8988-4242 local 1609
qcsurveillance@quezoncity.gov.ph
Date: November 26 to December 6
Time: 9:00 a.m. to 4:00 p.m.
Venue: Quezon City Hall Pathwalk