Bilang pakikiisa sa kampanya laban sa karahasan sa kababaihan, lumahok si Mayor Joy Belmonte kasama ang 600 babaeng manggagawa sa Cycle to End VAW (Violence Against Women) bike ride.
Ang 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ngayong taon ay nagsimula noong ika-25 ng Nobyembre at tatagal hanggang ika-12 ng Disyembre.
Ginunita rin ang anibersaryo ng paglulunsad ng Sophia Chat, isang AI-assisted chatbot na maaaring gamitin ng mga biktima ng pang-aabuso at karahasan.
Nakiisa sa aktibidad sina Ambassador of Switzerland to the Philippines Nicolas Brühl, Councilors Irene Belmonte, Doc Ellie Juan, Gender and Development Council head Janet Oviedo, at Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman.




