Umpisa na ng tagisan ng bilis, talas, at lakas ng bawat barangay emergency response teams sa kauna-unahang 2024 ResQClympics na inilunsad ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
Lumahok ang top 30 barangays sa QC na nagkamit ng 2024 Barangay Seal of Good Housekeeping sa timpalak kung saan ipinakita nila ang best practices sa preparedness, response, at rescue operations tuwing may emergency, sakuna, o kalamidad.
Nakiisa sa opening ceremony sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, QCDRRMO OIC Ma. Bianca Perez, at unit heads.
Ang barangay na magkakamit ng 1st Place ay makakatanggap ng modified pick-up truck, trophy, at medal. Ang 2nd place ay magkakaroon ng automated weather station, trophy, at medal, habang ang 3rd place ay mabibigyan ng fiber boat, paddles, life vests, trophy at medal.




