Tinalakay ni City Administrator Michael Victor Alimurung ang anti-corruption measures ng pamahalaang Lungsod Quezon sa idinaos na Sikhay Laban sa Korapsyon (SILAK) 2024 ng Office of the Ombudsman.
Ibinahagi ni CA Mike ang good governance strategies ng lungsod tulad ng transparency, accountability, at efficiency of public service delivery. Kabilang dito ang paglunsad ng QC eServices kung saan pinadali ang pag-apply sa mga serbisyo ng lungsod online.
Nanguna sa aktibidad sina Ombudsman Samuel Martires, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs Deputy Director Luke Bruns, at United Nations Office on Drugs and Crime Country Manager Daniele Marchesi.
Kabilang sa mga tagapagsalita sina Supreme Court of the Philippines Senior Associate Justice Marvic Leonen, Civil Service Commission Asst. Commissioner Ariel Ronquillo, Commission on Audit Asst. Commissioner Alexander Juliano, Department of Education Secretary Sonny Angara, at National Youth Commission Chairperson and CEO Joseph Ortega.




