MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko ngayong Linggo, December 15, 2024 mula 6:00AM hanggang 9:00AM, dahil sa pagbubukas ng Balara Park Christmas Market sa Cerro de Carriedo, Balara Filters Park, Diliman, Brgy. Pansol.
May inilatag na traffic management plan ang Traffic and Transport Management Department sa ilang kalsada sa paligid ng Balara Park.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng TTMD, Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

