Goodluck sa 2025 NCR Meet, Ateneo athletes!
Bumisita sa Quezon City Hall ang mga baseball at football athletes ng Ateneo de Manila Grade School at High School na magiging kinatawan ng lungsod sa 2025 NCR Meet sa Marso.
Kampyon ang Ateneo De Manila Grade School Bronco team sa QC Baseball Division Meet Championships, habang Ateneo High School naman ang nanguna sa secondary level ng Baseball tournament.
First placer din ang Ateneo De Manila Grade School Football team sa division level ng palaro.
Proud ang Quezon City Government at si Mayor Joy Belmonte sa mga batang manlalaro. Buo ang suporta ng lungsod sa mga atleta, at handang magbigay ng karampatang allowances para sa kanila at kanilang coaches.




