Isinagawa ngayong araw sa Quezon City Hall ang Day 1 ng Aklat sa Puso, isang book sale at serye ng mga seminar tungkol sa panitikan at pagtula. Pinangunahan ito ng Quezon City Local Government kasama ang San Anselmo Press at ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).
Nakilahok ang mga guro sa mga seminar tungkol sa iba-ibang paksang pampanitikan tulad ng Sining ng Tugma at Sukat at ang Retorika at Talinghaga. Ngayong araw ay para sa mga guro sa elementarya, habang bukas naman ay para sa mga guro sa high school.
Ginaganap ang Aklat sa Puso bilang bahagi ng pagdiriwang ng Heart’s Month at National Arts Month, bilang suporta sa sining at edukasyon.




