
Free Reading Tutorial: QCPL Basic Literacy Program
March 6, 2025Good news para sa mga batang QCitizen!
Tumatanggap ng mga kalahok ang Quezon City Public Library (QCPL), katuwang ang CIIT College of Arts and Technology, para sa Buklat-Aklat (Reading Tutorial Program). Layon ng programa na tulungan ang mga batang nasa 6 hanggang 10 taong gulang na hindi pa marunong magbasa.
Isasagawa ito mula Marso hanggang Abril sa QCPL Main Office, Gate 3, Quezon City Hall Compound tuwing Huwebes sa mga sumusunod na oras:
9:00 AM – 11:00 AM
11:30 AM – 1:30 PM
2:00 PM – 4:00 PM
I-scan ang QR code na makikita sa post para sa registration link. Maaaring magparehistro hanggang February 26, 2025 (Miyerkules). Limitado lang ang slots, kaya magparehistro na!
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Quezon City Public Library – Children’s Section: childrenssection123@gmail.com
Tingnan ang post sa ibaba para sa karagdagang detalye.
Date: Every Thursday, from March to April
Time:
9:00 a.m. to 11:00 p.m.
11:30 a.m. to 1:30 p.m.
2:00 p.m. to 4:00 p.m.
Venue: QCPL Main Office, Gate 3, Quezon City Hall