Nag-ikot ang mga tauhan ng QC Engineering Department at District 6 Action Office, sa pangunguna ni Action Officer Atty. Mark Anthony Aldave, upang linisin ang mga kanal sa iba-ibang lugar sa lungsod.
Ito’y para masigurong walang nakabarang basura sa mga daluyan ng tubig, na nagiging sanhi ng pagbaha kapag malakas ang ulan.
Kabilang sa isinailalim sa declogging operation ang G. Araneta St., at Asamba compound sa Brgy. Baesa.
Paalala ng lokal na pamahalaan, panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng ating mga basura.




