QC’S MINI FOREST FOR THE FUTURE!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang tree planting activity ngayong umaga kasama ang QCitizen mothers at kanilang anak sa Vista Real Classica na malapit sa Marikina River sa Barangay Batasan Hills.
Para sa Alkalde, mahalagang tungkulin ng bawat ina na maipaunawa sa mga bata ang konsepto ng climate change at kahalagahan ng pagprotekta sa kalikasan. Nakatahi sa One Million Trees program ng QC ang naturang aktibidad.
Nasa 500 tree saplings ang itinanim ng mga mag-iinang QCitizens na nakibahagi sa Mothers and Children Greening the Future project. Ito ay mga puno ng Molave, Narra, Bitaog, Balitbitan, at fruit trees na Rambutan at Guyabano.
Parte ito ng mga aktibidad ng QC Women’s Month Celebration. Nakipagtulungan ang Gender and Development (GAD) Council Office sa Parks Development and Administration Department (PDAD), Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), at Vista Real Classica HOA upang maisakatuparan ang proyekto.
Nakiisa rin sa tree planting sina GAD Council Secretary Janete Oviedo, PDAD head Ar. Red Avelino, CCESD head Andrea Villaroman, Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, HOA President Alvin Esberto, at Inner Wheel Club, Vista Real President Hannah Ilagan.




