Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagsasagawa ng unang City Development Council Regular Session ngayong taon.
Kabilang sa mga pinag-usapan sa CDC ang alternative spatial strategy para sa revision ng Comprehensive Land Use Plan, at update sa Local Development Investment Program.
Nanumpa na rin ang mga bagong miyembro ng CDC na sina Bgy. Doña Imelda Chairperson Ma. Ganda Yap, Bgy. Doña Josefa Chairperson Louie Muñoz, Barangay Tatalon Chairperson Kiko Del Mundo, at Civil Society Organization representatives Lorgio Cunui at Juan Baquiran.
Pinakinggan naman ng alkalde ang mga suliranin at suhestyon ng mga barangay captain, at CSO representatives.
Naitatag sa bisa ng Local Government Code of 1991, ang CDC ang bumubuo ng long-term, medium-term, at annual socioeconomic development plans ng lungsod.




