We are proud of you, Alex Eala!
Bilib ang buong Lungsod Quezon sa ipinamalas na husay at determinasyon mo, Alexandra “Alex” Eala, sa Miami Open 2025.
Umabot ng semifinals ang 19-anyos na QCitizen na si Eala, kung saan siya tinalo ng World No. 4 na si Jessica Pegula ng Estados Unidos (6-7, 7-5, 3-6).
Bago ito, tinalo ni Eala ang World No. 2 na si Iga Swiatek ng Poland sa quarterfinals.
