Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ni Danish Ambassador HE Franz-Michael Skjold Mellbin kasama ang mga opisyal ng global healthcare company na Novo Nordisk sa Quezon City Hall ngayong araw.
Pinag-usapan sa pulong ang pagpapalakas ng mga programa ng lokal na pamahalaan laban sa mga noncommunicable diseases, partikular na pagtugon sa malnutrisyon, obesity, at mental health issues.
Inihahanda na rin ang partnership ng lokal na pamahalaan at Novo Nordisk upang masiguro ang kalusugan ng bawat QCitizens.
Kasama sa meeting sina QC Health Department OIC Ramona Abarquez, Novo Nordisk executives na sina Corporate Vice President Ananda Shetty, at Vice President and General Manager Wei Sun.




