LIGTAS NA ELEKSYON SA QC
Idinaos sa Quezon Memorial Circle (QMC) ang Unity Walk, Inter-Faith Rally and Peace Covenant Signing event na dinaluhan ng iba-ibang sangay ng gobyerno, election watchdogs, religious leaders, at mga local candidates para sa darating na May 12 National and Local Elections 2025.
Layon ng pagtitipon na mapanatiling ligtas, may pagkakaisa, at maging matagumpay ang magaganap na eleksyon.
Bahagi ng programa ang pagpirma sa Manifesto ng mga mangangasiwa sa local election sa lungsod at Integrity pledge para sa mga political aspirants.
Dumalo sa programa ang COMELEC-QC Election Officers na sina Atty. Lope Gayo, Jr., Jovilmar Igne, Rommel Matreo, Stephanie Bag-id, Atty. Jan Fajardo, at Atty. Zennia Ledesma-Magno.
Kasama rin sa programa sina DILG-QC Director Emmanuel Borromeo, CGD-NCR-Central Luzon Commander Christopher Meniado, BJMP-NCR Regional Director JCSUPT. Clint Tangeres, QCFD Fire Marshal FSSUPT Flor-Ian Guerrero, QCPD District Director PBGEN. Melecio Buslig Jr., SDOQC Superintendent Carleen Sedilla, PPCRV Coordinator Leonardo Sacamos Jr ng Diocese of Cubao, at NAMFREL-QC Chairperson Engr. Ramon Nolido.




