Tuloy ang laban para sa pagkakapantay-pantay!
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte kasama ang Pride PH conveners na sina Vince Liban, Rodina Singh, at Angel Romero para talakayin ang mga plano para sa Lov3Laban 2025: Quezon City Pride PH Festival.
Kasama sa pulong si QC Gender and Development Office Head Janete Oviedo.
Muli na namang maghahatid ang Quezon City ng isang makulay na selebrasyon at makiisa sa laban at protesta tungo sa mas inklusibo at nagkakaisang komunidad para sa lahat.




