Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Quezon City Film Commission (QCFC) Executive Director Liza Diño-Seguerra upang talakayin ang mga naging tagumpay ng komisyon at ang mga plano para sa 2025.
Layunin ng QCFC at QC Government na higit pang maitaas ang antas ng lokal na talento sa pelikula at maipakilala ito sa pandaigdigang entablado.
Kasama sa talakayan si QC Acting Chief Tourism Operations Officer Giana Barata.




