Nagsagawa ang Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) ng book reading activity para sa mga mag-aaral ng 15th Avenue Elementary School, sa pakikipagtulungan sa Quezon City Public Library (QCPL) at Clean Air Asia.
Sabay-sabay na binasa ng mga bata at kawani ng QCPL ang librong “Ang Paglalakbay sa Hangin ni Sasa Saranggola”, isang storybook tungkol sa air pollution, mga epekto nito, at kung paano makakatulong ang mga kabataan sa pagtugon nito.
Pormal ding binuksan nina CCESD Head Andrea Villaroman at Clean Air Asia Deputy Executive Director Atty. Glynda Bathan-Baterina ang exhibit tampok ang mga information, education, and communication materials na binuo ng lungsod sa Air Quality, Air Pollution, mga masasamang epekto ng hindi magandang kalidad ng hangin, at mga inisyatibo ng lungsod para matugunan ito.




