Kasabay ng patuloy na pagkalinga sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Obrero, nagtalaga rin ng Child-Friendly Space ang Social Services Development Department sa evacuation center.
Bahagi ito ng pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan upang matiyak na sila ay ligtas, masaya, at may suporta kahit sa gitna ng krisis.
Nagtalaga rin ng Pet Area ang City Veterinary Department para sa mga alagang hayop ng mga evacuee tulad ng aso, pusa, at iba pa.
Layunin nitong magbigay ng ligtas at inklusibong disaster response dahil itinuturing na rin bilang miyembro ng pamilya ang mga alagang hayop.
Mananatiling nakaantabay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office, SSDD, QC Health Department, at District 4 Action Office para umalalay sa QCitizens na apektado ng sunog.




