Naimbitahang makilahok ang Quezon City Government, sa pangunguna ng QC Information Technology Development Department (QC ITDD), sa Google Cloud Next 2025 Conference na ginanap sa Las Vegas, Nevada, USA.
Ang Google Cloud Next Conference ay taunang event na inoorganisa ng Google, kung saan ipinapakilala at tinatalakay ang mga makabagong teknolohiya, produkto, at solusyon mula sa Google Cloud.
Dinaluhan ito ng mga IT professionals, developers, business leaders, at iba pang eksperto sa industriya upang matuto, makipag-network, at magbahagi ng kaalaman tungkol sa cloud computing, artificial intelligence (AI), data analytics, at iba pa.
Kasama sa dumalo sina QC ITDD Officer-in-Charge Mary Ann Cruz at QC ITDD Acting Assistant Head Paul Rene Padilla, kasama ang ibang representatives mula sa Maroon Studios, Inc.




