Nagsagawa ng Operation Baklas ang COMELEC, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa mga kalsada ng District 1, 3, 5, & 6 ngayong araw.
Paalala ng Pamahalaang Lungsod na mahigpit na ipinagbabawal na magpaskil sa mga sumusunod na lugar:
• Poste ng Meralco
• Pampublikong imprastraktura at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.
Narito ang listahan ng Common Poster Areas sa lahat ng distrito sa Quezon City na itinalaga ng COMELEC sa panahon ng kampanya:
District 1 – https://www.facebook.com/share/p/16ExAvyCkt/
District 2 – https://www.facebook.com/share/p/1A99KVzE4N/
District 3 – https://www.facebook.com/share/p/1BLwpACfBo/
District 4 – https://www.facebook.com/share/p/1BLVSXwwbh/
District 5 – https://www.facebook.com/share/p/19tXTpLmH7/
District 6 – https://www.facebook.com/share/p/15uBr6jZ4x/
Ang Oplan Baklas ay magpapatuloy hanggang matapos ang eleksyon para mapanatili ang kalinisan ng ating mga lansangan at masigurong naipatutupad ang batas at ordinansa sa panahon ng eleksyon.
Para sa anumang reklamo o concerns ukol dito, maaaring dumulog sa Helpline 122 o magpadala ng mensahe sa Quezon City Government Facebook Page.




