ECO-FRIENDLY GRADUATIONS SA QUEZON CITY
Ipinagdiwang ngayong araw ang graduation ceremonies ng Flora A. Ylagan High School sa LTO Bulwagan at Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts High School sa UP GT Toyota Asian Cultural Center.
Isinulong ng lokal na pamahalaan ang eco-friendly practices nito sa mga nasabing graduation. Sa halip na gumamit ng plastic bottles at cups, tumblers ang gamit ng mga dumalo at may mga water dispenser sa venue.
Alinsunod ito sa Executive Order No. 3, s. 2025 ni Mayor Joy Belmonte, na naglalayong bawasan ang paggamit ng plastic sa mga aktibidad ng lungsod. Kaugnay nito, naglabas ang Schools Division Office ng Quezon City ng Division Memorandum No. 391, s. 2025, na nag-uutos sa mga pampublikong paaralan na iwasan ang paggamit ng single-use plastic sa mga school activity, kabilang na ang graduation ceremonies.
Patunay ito ng suporta ng mga paaralan sa adbokasiya ng Quezon City Government para sa mas malinis at environment-friendly na lungsod.




