Matagumpay na nagtapos ng pag-aaral ang 16 na Senior High School students mula sa Molave Youth Home ng Quezon City. Kabilang sa mga nagtapos ang dalawang babae at 14 na lalaki na mga Child in Conflict with the Law o CICL.
Katuwang ng Quezon City Government sa programa ang Quezon City University at TESDA, sa pakikipagtulungan sa mga guro, social workers, at iba pang institusyon.
Layon nitong mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga CICL na makapagtapos ng pag-aaral at makapagsimula muli sa pag-abot sa kanilang mga pangarap.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng mga programang makatao at inklusibo para sa mga kabataang nangangailangan ng gabay at oportunidad para sa kanilang pagbabagong-buhay.




