Pinangunahan ni City Engineer Atty. Dale Perral ang Skills Upgrading Training for Electrical Installation and Maintenance NC II – Batch 2 para sa mga kawani ng Quezon City Department of Engineering (QCDE).
Bahagi ito ng QCDE Skilled Workers TESDA Certification Program na isinagawa noong Abril 14–15, 2025.
Tinalakay sa 2-day training ang mga pangunahing kasanayan tulad ng roughing-in activities, wiring, at cabling works.
Kasama rin sa praktikal na pagsasanay ang aktwal na pag-install ng electrical protective devices at ang wastong pamamaraan ng paglalagay ng wiring devices sa mga floor at wall-mounted outlets, at iba pa.
Ang programa ay binuo ng QCDE katuwang ang QC Training and Assessment Center (QCTAC), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at TESDA QC Lingkod Bayan Skills Development Center.




