QCitizens, muli na naman tayong magkikita-kita sa isang masaya at plastic-free na Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday kasama ang Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).
Isama na ang buong pamilya, barkada, at furbabies para sa isang umaga ng zumba, walking, jogging, at biking.
At dahil Easter Sunday, magkakaroon ng Easter Egg Word Hunt activity para sa mga chikiting.
Mamamahagi naman ng fruit bearing/native trees ang CCESD para sa unang 100 participants bilang bahagi ng Luntiang Kyusi: One Million Trees Initiative.
Paalala: Ugaliing magdala ng inyong reusable bags o eco-bags at refillable tumblers o water containers para maiwasang gumamit ng mga single-use plastic.



