Bilang paghahanda sa paggunita ng Mahal na Araw, nagsasagawa ang Quezon City Government ng masusing pag-aayos sa daloy ng trapiko at pagpapalakas ng mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko.
Tinitiyak ng lokal na pamahalaan na magiging maayos at ligtas ang biyahe ng mga pasahero patungo sa kanilang mga probinsya.
Patuloy na nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department, Department of Public Order and Safety, QC Police District, at iba pang ahensya ng QC upang panatilihin ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat.




