Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ika-126 taon ng paggunita ng kamatayan ng “Utak ng Katipunan” at bayani na si Gat Emilio Jacinto.
Nag-alay ng bulaklak ang mga lokal na opisyal tulad nina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Coun. Banjo Pilar, Barangay Pasong Tamo Chairperson Tricia Pilar, at ilang kinatawan ng lokal na pamahalaan.
Kasama rin sa seremonya si Himlayang Pilipino, Inc. Consultant Nyreen Roa, at mga inapo at pamilya ni Emilio Jacinto sa pangunguna ni Kgg. John Malaya Camara.
Nagbigay ng inspirasyon si Mayor Joy sa kanyang mensahe para sa mga kabataan na yakapin ang responsibilidad sa pagpapabuti ng bansa at itaguyod ang malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.
Nawa’y magsilbing gabay ang mga aral at katapangan na ipinamalas ni Emilio Jacinto sa patuloy na paglaban para sa kalayaan ng sambayanang Pilipino.




