
RePorma: Quezon City Hall Employees Clothes Swapping Event
April 25, 2025Heads up, Quezon City Hall employees!
Makilahok na sa RePorma: Quezon City Hall Employees Clothes Swapping Event bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Kilo/s Kyusi Store at Earth Day!
Gaganapin ang Swapping Event sa April 25, 2025 sa Inner Lobby ng Quezon City Hall High Rise Building.
Magkakaroon ng donation at registration period mula April 21 hanggang 24, 2025 kung saan maaaring mag-donate ng mga pre-loved items ang interesadong empleyado.
Bibigyan ng stub ang empleyado para sa kanyang donasyon, na gagamitin naman para makapag-swap ng damit sa swapping event.
Bahagi ang aktibidad ng ‘Wear the Change: QC Zero Textile Waste Initiative’ ng lokal na pamahalaan na layong mabawasan ang textile waste sa lungsod sa pamamagitan ng pag-recycle o upcycle ng mga damit at iba pang ‘pre-loved’ na kasuotan.
Basahin ang buong gabay sa ibaba.
Date: April 25, 2025
Time: 1:00 p.m.
Venue: Inner Lobby, Main Building, Quezon City Hall