QCitizens, halina’t muling makiisa at makisaya sa Car-Free, Carefree Tomas Morato Sunday kasama ang Market Development and Administration Department!
Magkita-kita tayo sa darating na Linggo at sama-samang magbisikleta, mag-jogging, mag-zumba, at mag-bonding.
Magkakaroon din ng fresh market tampok ang iba-ibang produkto ng QC!
Kaya ayain na ang buong pamilya at barkada at isama na rin ang inyong furbabies! Kita-kits!


