Hanap mo ba ay fashionable items na swak sa budget? Sagot na ‘yan ng QC Government sa pamamagitan ng Wear the Change: The QC Zero Textile Waste Initiative.
Nauna ng nag-donate ang mga empleyado ng City Hall ng mga lumang damit na maaari pang maisuot at magamit. Inipon ang mga ito, ini-swap sa mga kasuotang bigay din ng iba pang kawani.
Aabot sa 1,100 na damit ang nalikom sa RePorma sa QC Hall kung saan 832 ang nai-swap na.
Outfit check na but make it environment-friendly. Para sa iba pang detalye, panoorin ito: