Nakarating na sa Amoranto Sports Complex (ASC) ang walong truck lulan ang ballot boxes at mga baterya ng Automated Counting Machines ng COMELEC na gagamitin sa darating na National & Local Elections 2025.
Tulong-tulong ang mga kawani ng lokal na pamahalaan upang umalalay sa pagkamada ng mga kargamento ng COMELEC sa ASC.
Present din ang mga COMELEC QC Election Officers upang matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga ito.




