Happy Monday, QC!
Mainit na tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang pagbisita ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa isinagawang flag raising ceremony ngayong araw.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pagtanggap at pagbibigay-pugay sa dating senador.
Sa kanyang maikling talumpati, binigyang-diin ni former Sen. Lacson ang kahalagahan ng integridad sa pamahalaan, disiplina sa serbisyo publiko, at maayos na paggamit ng pondo ng bayan.




