Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Meralco SVP and Chief External and Government Affairs Officer Atty. Arnel Casanova para talakayin ang mga hakbang ng pamahalaang lungsod na matulungan ang mga residente na naninirahan malapit sa transmission lines.
Kinokonsidera na ‘danger zone’ ang mga lugar malapit sa mga linyang ito ng Meralco dahil sa mataas na boltahe ng kuryente na dumadaloy rito.
Handa namang umalalay ang Meralco sa mga programa ng QC lalo na sa kaligtasan ng mga residente ng lungsod.
Kasama sa pulong sina Housing Community Development and Resettlement Department head Atty. Jojo Conejero, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.



