Nasa 300 QCitizen civil society organization (CSO) leaders ang dumalo sa Gender and Development (GAD) program orientation ng lokal na pamahalaan.
Nagsilbing panauhing pandangal sa programa si Sen. Pia Cayetano, na nagsulong ng Magna Carta of Women (Republic Act 9710) na nagpoprotekta sa karapatan ng mga kababaihan.
Bumati rin sa mga kinatawan ng CSOs si Mayor Joy Belmonte.




