QC for Pride, Love, and Equality!
Noong 2023, idinaos sa Quezon City ang pinakamalaking Pride Celebration sa Southeast Asia na dinaluhan ng mahigit 110,000 LGBTQIA+ members at allies!
Kasabay ng ika-10 anibersaryo ng pagpasa ng Gender-Fair Ordinance, umabot sa higit 228,000 ang nakiisa sa pagdiriwang ng Pride Month Celebration noong 2024.
915 LGBTQIA+ couples na ang lumahok sa commitment ceremony ng lungsod na ginaganap tuwing February 14 o Valentines Day.
QC rin ang kauna-unahang lungsod na naglunsad ng Right to Care Card, na nagbibigay karapatan sa queer couples na magdesisyon sa panahon ng pagkakasakit ng kanilang partner. Mula 2023, 468 couples na ang nag-apply ng RTC.
Para sa iba pang detalye sa Gender Empowerment Programs ng lungsod, maaaring i-scan ang QR code o makipag-ugnayan sa Gender and Development Council Office:
• 6th Floor, High Rise Building, Quezon City Hall
• 8988-4242 locals 8739, 8732, 8168
• GADCouncil@quezoncity.gov.ph
• https://www.facebook.com/quezoncitygadcouncil/
• https://quezoncity.gov.ph/…/gender-and-development…/

