Ipinagdiriwang ngayong araw ang World Press Freedom Day bilang pagkilala sa kahalagahan ng malayang pamamahayag.
Sa araw na ito, binibigyang-pugay ng lokal na pamahalaan ang mga mamamahayag na patuloy na naglilingkod sa bayan at naghahatid ng totoo at wastong impormasyon.
