Nakikiisa ang Quezon City Government sa pagdiriwang at pagsulong ng pandaigdigang kampanya ng #MayMeasurementMonth!
Inilunsad noong 2017 ng International Society of Hypertension, ang May Measurement Month ay naglalayong magbigay-kaalaman ukol sa kahalagahan ng regular na pagmo-monitor ng blood pressure at mga panganib na dulot ng hypertension at mataas na blood pressure.
Sinusuportahan ng lungsod ang inisyatibo sa pamamagitan ng mga programang makatutulong sa pag-iwas ng mga nabanggit na sakit. Kabilang dito ang Quezon City Calorie-Labeling Ordinance na ipapatupad simula December 21, 2025 sa bisa ng SP-3254, S-2024.
Ugaliing magpa-check up at mag-monitor ng blood pressure. Huwag pabayaan ang kalusugan, QCitizens!
