Sa pamamagitan ng QCitizen ID, mas maayos na naipamamahagi ang tulong, suporta, at discounts sa bawat residente, manggagawa at estudyante. Noong 2021 sinimulan ng Quezon City Government ang pamamahagi ng QCitizen ID. Sa kasalukuyan may 1,375,774 QCitizen ID nang naipamahagi para sa QC residents, Non-residents, Solo Parents, Persons with Disabilities (PWDs), at Senior Citizens.
Gamit ang QC e-Services, mas mabilis, mas efficient, at mas accessible ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan. Bahagi ito ng digitalization efforts ng lungsod para sa mas malinis, transparent, at iwas red tape na mga transaksyon.
Maaaring mag-avail sa QC e-Services ng iba-ibang serbisyo tulad ng QCitizen ID registration, pagkuha at pag-renew ng business permits, pagbabayad ng real property tax, online civil registry services, scholarship, at marami pang iba.
Para sa iba pang detalye o access sa QC e-Services, maaaring i-scan ang QR code na ito o magtungo sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/.
Para sa iba pang detalye o application para sa QCitizen ID, maaaring i-scan ang QR code o makipag-ugnayan sa QCitizen ID team:
https://www.facebook.com/qcidteam
qcidteam@quezoncity.gov.ph


