Nagsilbing panauhin si Sen. Bong Go sa flag-raising ceremony sa Quezon City Hall ngayong umaga.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Sen. Go ang mga nagawa niya bilang senador, kabilang ang pagsasabatas ng Malasakit Center Act (Republic Act No. 11463).
Sa tulong ng Malasakit Center, mas nailalapit sa mga residente ang iba-ibang programa ng pamahalaan. Sa ngayon, mayroon nang 166 ang Malasakit Centers sa Pilipinas, kung saan 11 ang nasa Quezon City.
Nabanggit din ng senador ang plano niya sakaling mahalal muli sa posisyon, tulad ng muling pagpasa ng Salary Standardization para sa mga empleyado ng pamahalaan, at pagtatayo ng mga pasilidad para matiyak ang kalusugan ng mga mamamayan.
Malugod siyang sinalubong nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal.




