Smarter, safer, at more resilient na ang Barangay Bagong Pag-asa!
Pormal nang inilunsad ng Barangay Bagong Pag-asa ang mobile application at emergency response system na 1HOPE.
Sa 1HOPE, mas convenient na ang pagre-report ng mga residente sa anumang emergency at sakuna sa kanilang lugar. Dahil integrated at unified na ang lahat ng response protocol, masisigurong mas mabilis din ang pagtugon sa mga ito.
Sa kanyang talumpati, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang Barangay Bagong Pag-asa, sa pangunguna ni Punong Barangay Chinggay Bilaos, dahil sa makabago at makamasang proyekto na sisiguro sa kaligtasan ng mga QCitizen.
Ayon pa sa alkalde, patuloy ang suporta ng lungsod para matiyak na empowered ang lahat ng barangay lalo na sa pagtugon sa mga pangangailangan sa kanilang nasasakupan.
Naroon din sa ceremonial ribbon-cutting ceremony sina Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.




