Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte, Lea Marasigan ng UNICEF, at ilang kinatawan ng Council for the Welfare of Children upang talakayin ang Child Budget Tagging Tool.
Ito ay isang mekanismo upang masuri kung sapat at epektibo ang alokasyon ng budget ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga bata. Sa pamamagitan nito, natitiyak na ang bawat pisong inilaan ay tunay na nakatutugon sa kanilang pangangailangan at karapatan.
Kasama sa pulong sina City Budget Officer Marian Orayani, City Planning and Development Department OIC Jed Gomez, at mga kinatawan ng Social Services Development Department.




