Bumisita si Mr. Steve Cima, Regional Director ng International Republican Institute (IRI), kay Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng integridad ng halalan at pagsigurado ng inklusibong partisipasyon.
Ibinahagi ni Mayor Belmonte ang kanyang mga pananaw hinggil sa estado ng politika sa bansa, at ano ang hakbang ng mga lokal na pamahalaan sa pagprotekta sa integridad ng eleksyon.
Kasama sa pulong sina Dr. Alex Brillantes, Jr., isang political scientist, at si Atty. Carlo Austria, City Legal Officer ng lokal na pamahalaan.




