Nagtungo si Mayor Joy Belmonte sa mga evacuation center upang alamin ang kalagayan ng aabot sa 268 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay E. Rodriguez.
Layon ng kanyang pagbisita na masuri ang sitwasyon at matiyak na sapat ang tulong na naibibigay, pati na rin ang posibilidad ng karagdagang suporta mula sa pamahalaan kung kinakailangan.
Kasama rin sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Social Services Development Department (SSDD) head Carol Patalinhug, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Bianca Perez sa pagbisita.
Agad naman namahagi ang QC ng hygiene kits, food packs, bigas, at banig sa mga apektadong pamilya.
Tuloy-tuloy rin ang pamimigay ng hot meals at iba pang serbisyo. May medical post sa evacuation center, habang ang QCDRRMO ay naglagay ng partition tents para sa kaayusan at kaligtasan ng mga evacuees.
Katuwang din nila ang QC Health Department, QC Veterinary Department, at ang barangay upang masigurong natutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga biktima ng sunog.




