Kapag healthy si Mommy, healthy din si baby
Ngayong linggo ay ating ipinagdiriwang ang “Safe Motherhood Week” upang bigyang halaga ang kalusugan at kapakanan ng bawat ina.
Sa bawat check-up, pahinga, at pangangailangan, iparamdam natin sa kanila ang ating suporta at pagkalinga.
Ang Quezon City Government ay katuwang rin sa pagbibigay ng sapat at maayos na pre-natal at post-partum care sa mga ina at sanggol sa lungsod.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng libreng check-up, bitamina, at bakuna sa ating mga health center. Gayundin ang pagtuturo ng family planning sa bawat pamilya.
Maaaring magpunta sa pinakamalapit na Health Center sa inyong barangay para magpakonsulta.
