MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa District 3 dahil sa isasagawang Miting de Avance ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa May 9, 2025 (Biyernes) mula 6:00 ng gabi.
Pansamantalang isasara ang mga sumusunod na kalsada sa Brgy. San Roque (District 3):
Road Closure:
•20th Avenue cor. P Tuazon
•20th Avenue cor. D Silang
•20th Avenue cor. Kalantiaw
•P. Zamora cor. D. Silang
•P. Zamora cor. Inocencio
•19th Avenue cor. 20th Avenue
•JP Rizal cor. D. Silang
•JP Rizal cor. Bayanin Rd.
Magpapatupad ng traffic rerouting ang Traffic and Transport Management Department (TTMD).
Magtutulungan at nakaantabay rin ang mga tauhan ng TTMD at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

