Sa Quezon City, buhay na buhay ang sining at kultura!
Ang Tandang Sora Women’s Museum ang kauna-unahang women’s museum sa bansa. Tampok dito ang mga kwento at obrang gawa ng kababaihan at mga exhibit na nagpapakita ng kontribusyon ng mga babae sa iba-ibang larangan.
QC rin ang tahanan ng QCinema International Film Festival, na sumusuporta sa mga pelikula at talento ng local at international filmmakers.
Patuloy ang pagkilala ng ating lokal na pamahalaan sa mga kontribusyon ng bawat QCitizen sa pagpapayaman ng ating kasaysayan at pag-usbong ng makulay na industriya ng pelikula.
Para sa iba pang detalye tungkol sa Tandang Sora Women’s Museum at QCinema, maaaring i-scan ang QR codes o makipag-ugnayan sa:
Quezon City Tourism Department
• Quezon City M.I.C.E. Center Building, Quezon City Hall, Elliptical Road, Diliman, Quezon City
• 8988-4242 local 7037
• qctd@quezoncity.gov.ph
• https://www.facebook.com/qcmoretoexplore
QCinema
• https://www.facebook.com/QCinemaPH/

