QCitizens, tara na’t mag-food trip sa POP QC Summer Bazaar!
Iba-ibang pagkain at pampalamig ang mabibili sa bazaar sa mura at abot-kayang halaga.
Maaari ring maka-discount kung may dalang tumbler o lagayan ng pagkain, na makakatulong din sa sustainability efforts ng Quezon City Government.
Bukas ang bazaar tuwing Huwebes at Biyernes ng May at June, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa QC Hall pathwalk.




